CANORECO Balita

#ECBlackFridayProtest

Mag-iisang buwan na mula nang magsimula ang #ECBlackFridayProtest. Ito ay laban ng isandaan at dalawampu’t isang (121) Electric Cooperative ng Pilipinas. Laban para sa Benguet Electric Cooperative, Inc. (BENECO). Laban para sa Northern Davao Electric Cooperative, Inc. (NORDECO). Laban para sa mga electric cooperative sa Negros Island. At laban para sa lahat ng electric cooperative sa buong bansa.

Pinasimulan ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA) ang pagsasagawa ng protestang ito noong May 14, 2021 at patuloy na isinasagawa tuwing araw ng Biyernes ng mga empleyado ng mga electric cooperative, kabilang ang CANORECO.

Ang sama-sama at sabay-sabay na protestang ito ay dahil nagtalaga ang Board of Administrators (BOA) ng National Electrification Administration (NEA) ng General Manager sa BENECO na hindi dumaan sa tamang proseso na sila mismo ang gumawa at nagpatupad sa mahabang panahon.

Samantala, ang NORDECO naman ay ite-takeover ng isang pribado at profit-oriented na kapitalistang korporasyon. Isa sa mga kompanyang tubo at kita lamang ang mahalaga, at walang pakialam sa pagtulong sa mga nangangailangan lalong-lalo na sa mga marginalized group.

At sa kaso naman ng mga electric cooperative sa Negros Island, isang bagong kompanya na walang alam sa pagpapatakbo ng isang energy utility at walang experience sa energy industry ang nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa mga electric cooperative sa nasabing isla upang dungisan ang kanilang reputasyon para ma-takeover.

Dahil sa mga nasabing pangyayari kamakailan, muli na namang kumikilos ang samahan ng lahat ng electric cooperative sa buong bansa upang ipaalam sa lahat na: β€œHands Off Our ECs! We are one for EC Independence! United We Stand, We Stand United for BENECO! United We Stand, We Stand United for NORDECO! United We Stand, We Stand United for All ECs in Negros Island!”

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09190952707, at landline no. 054-5713796.