Ang biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa buong lalawigan ng Camarines Norte kasama ang probinsya ng Quezon noong Mayo 5, 2019 (Linggo) simula alas 9:00 hanggang 9:44 ng umaga ay dahilan sa fault ng 230 KV line ng National Grid Corporation of the Phils. (NGCP). Dahil dito nagkaroon ng agarang emergency power interruption ang NGCP ulit simulang 1:33 hanggang 2:02 ng hapon upang maisaayos ang line fault sa NGCP 230 KV line.
Ang NGCP ang nangangalaga ng mga transmission lines kung saan kunektado ang mga substations ng CANORECO.

