Matatandaang noong nakaraang taon ay nabiyayaan ang Calaguas Islands ng dalawang (2) Generator Set ng National Power Corporation o NPC. Ang NPC ang naatasang magbigay ng power generation facilities sa mga isla na hindi konektado sa main grid na tinatawag na Small Power Utilities Group o SPUG. Ang nasabing generator sets ang magsusuplay ng kuryente sa mga barangay sa Calaguas island partikular ng Brgy. Banokbok, Pinagtigasan, at Mangkawayan sa bayan ng Vinzons. Noong Mayo 1, 2019 ay pormal nang na energize ang nasabing GenSet sa pangunguna ni Dir. Melchor Antigua ng District IX (Sta. Elena), Dir. Marcial Ferrer ng District XI (Vinzons), Dir. Allan Ojas ng District VIII (Capalonga), Dir. Nicanor Neri ng District IV (Labo) at Dir. Juancho Gaco ng District V (Talisay at San Vicente), Engr. Rey Michael Gerio ng SPUG-NPC at mga empleyado ng CANORECO sa pangunguna ni Engr. Ryan Roel Bacuño, Chief, Engineering Services Division at Gng. Delia D. Durante, Chief ng Membership Division.
Walong (8) oras magagamit sa isang araw simulang 4:00 ng hapon hanggang 12:00 ng hating gabi lamang mapapailawan ang mga nasabing barangay dahil 80 kilowatt capacity ang kayang igenerate ng nasabing gen set.
Nagkaroon din ng Medical Mission sa Brgy. Banocboc, Vinzons noong Mayo 1, 2019 bilang joint project ng CANORECO at Aboitiz Power Renewables Inc. o APRI sa pangunguna ni Mr. Jeremiah Padilla, Area Manager- Luzon Energy Sales. Ito ay parte ng Corporate Social Responsibility o CSR ng dalawang ahensya.
Ginanap din ang Pre-membership Seminar (PMS) para sa mga beneficiaries ng Sitio Electrification Project o SEP sa dalawang barangay sa pakikipagtulungan ng Punong Barangay ng Banocboc na si Mr. Jumer Avellano, PB ng Pinagtigasan na si Mrs. Azucena Buen at PB ng Mangkawayan na si Mr.Ariel Era at ilang empleyado ng CANORECO.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Technical Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.

