CANORECO Balita

43rd TURN-OVER ANNIVERSARY NG CANORECO IPAGDIRIWANG NGAYUNG BUWAN NG MAYO

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Mayo ang ika apatnaputatlong (43rd) taong anibersaryo o Turn-Over Anniversary ng CANORECO. Mayo 15, 1976 nang ilipat ang operasyon ng Daet Electric Plant sa CANORECO na noon ay bagong tatag na electric cooperative.

Kaugnay nito magkakaroon ng Motorcade sa Mayo 10 (Biyernes) sa buong probinsya ng Camarines Norte. Dalawang grupo ang magiikot para sa Tagalog speaking towns at Bicol speaking towns.

May Fun Walk naman sa Mayo 11 (Sabado) at Clean Up Drive sa Bagasbas Boulevard na dadaluhan ng mga opisyales, empleyado at representative ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council o MSEAC bilang parte ng Corporate Social Responsibility ng CANORECO.

Gaganapin ang CLINICANORECO sa Mayo 11(Sabado) at 12 (Linggo) sa bayan ng Capalonga. Magbibigay ng mga gamot para sa mga deboto ng Poong Nazareno na nangangailangan ng pangunang lunas.

Sa mismong araw naman ng anibersaryo, Mayo 15, 2018, gaganapin naman ang banal na misa sa Daet Main Office at sa ibat ibang bayan at magkakaroon din ng kaunting selebrasyon bilang pasasalamat sa mga miyembro konsumidores.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa INSTITUTIONAL SERVICES DEPARTMENT (ISD) sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.