Bumaba ang billing rates na babayaran para sa December 2022 billing. Ang residential rate ay Php17.4270 per kWh na lamang kumpara sa Php17.9226 per kWh noong nakaraang November 2022 billing. Ang low voltage rate ay Php16.4734 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php14.5811 per kWh. Nagkaroon ng pagbaba na Php0.4956 per kWh.
Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Blended Generation Charge ng Php0.4836 per kWh dahil sa mas mababang Fuel Cost (Coal Price) na binayaran sa ating Power Supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng November 2022. Bumaba rin ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na Php8.6902 per kWh na lamang kumpara sa Php9.1254 per kWh noong nakaraang November 2022.
Bukod dito, bumaba rin ang System Loss Charge ng Php0.0449 per kWh; at ang Value Added Tax Charges ng Php0.0715 per kWh.
Sinuspinde naman pansamantala ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff (FIT-All Charge) na Php0.0364 per kWh dahil sa ERC Resolution No. 12, Series of 2022 mula sa billing ng December 2022 hanggang February 2023.
Samantala, tumaas naman ang Transmission Charge ng Php0.1299 per kWh dahil sa mas mataas na transmission at ancillary services mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Bahagya naman ang naging pagtaas ng Senior Citizen Subsidy, Lifeline Subsidy at Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) na may kabuuang Php0.0109 per kWh.
Sa pagbaba ng billing rate na babayaran ngayong January 2023 para sa mga konsumo sa kuryente noong December 2022, mababawasan ng Php49.56 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; ng Php99.12 ang nagkokonsumo ng 200kWh; at ng Php148.68 ang nagkokonsumo ng 300kWh.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Dahil ang mga electric cooperative ay mga collecting agent din ng National Government, ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at ibinabayad ng CANORECO buwan-buwan sa TLI at sa WESM, sa transmission utility na NGCP, at inire-remit sa government corporations/agencies gaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO), National Power Corporation (NAPOCOR/NPC), Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na
www.canoreco.com.ph