Sinimulan na ang pagpapa-seminar at pag-aasikaso sa application ng nasa 540 household beneficiaries ng CANORECO Sitio Electrification Program (SEP) 2022 na isa sa mga programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Electrification Administration (NEA) at Department of Energy (DOE).
Ang mga benepisyaryo ng CANORECO para sa SEP 2022 ay ang mga sumusunod:
- Purok 7 Banasi, Brgy. Mambungalon, Mercedes – 32 household beneficiaries
- Purok 6 Atongon, Brgy. Pambuhan, Mercedes – 10 household beneficiaries
- Purok 3 Eucalyptus, Brgy. Tuaca, Basud – 30 household beneficiaries
- Purok 2 Barangay Site, Brgy. Dagotdotan, San Lorenzo Ruiz – 20 household beneficiaries
- Purok 3 Boloy, Brgy. Maisog, San Lorenzo Ruiz – 16 household beneficiaries
- Purok 2, Brgy. Cabanbanan, San Vicente – 15 household beneficiaries
- Purok 3 (Phase 3), Brgy. Cabanbanan, San Vicente – 24 household beneficiaries
- Purok 6, Brgy. Man-ogob, Brgy. San Vicente – 37 household beneficiaries
- Purok 4, Cabuon (Phase 2), Pinagtigasan, Vinzons – 60 household beneficiaries
- Purok 2, Cutaba (Phase 2), Pinagtigasan, Vinzons – 60 household beneficiaries
- Purok 5, Brgy. San Lorenzo, Sta. Elena – 11 household beneficiaries
- Puktol, Brgy. Del Pilar, Capalonga – 55 household beneficiaries
- Purok 6 Mina, Brgy. Lucbanan, Capalonga – 58 household beneficiaries
- Purok 7, Brgy. Gumaus, Paracale – 60 household beneficiaries
- Purok 8 Baliwag, Brgy. Tugos, Paracale – 38 household beneficiaries
- Purok 9 Nipa-Nipa, Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban – 14 household beneficiaries
Sa programang ito, ang mga benepisyaryo ay may libreng housewiring installation (dalawang ilaw, isang saksakan, isang circuit breaker, maximum 30 meters na service drop at 1 kuntador) at libreng labor. Ang mga babayaran lamang ay Bill Deposit na Php200.00, ID Fee na Php50.00 at Membership Fee na Php 5.00 na may kabuuang Php255.00 lamang kada benepisyaryo.
Malaking tulong ang nasabing programa sa mga nakatira sa mga lugar na malalayo sa mga existing na linya ng kuryente. Bukod sa libreng housewiring installation at labor, nasa Php255.00 lamang ang babayaran kumpara sa Php885.40 na bayarin ng isang baguhang regular applicant na magpapakabit ng isang residential kwh meter na may 5 outlets pababa. Ang programang ito sa Camarines Norte ay nagkakahalaga ng 4,319,593.21.
Sa susunod na buwan, January 2023, sisimulan na ang pagtatayo ng mga poste at paglalatag ng mga linya ng kuryente at pag-housewiring installation sa mga nasabing sitio/purok. Inaasahan na bago mangalahati ang taon ay mapapailawan na ang mga nasabing household beneficiaries. Samantala, nalaanan na ng budget ng pamahalaan ang susunod na SEP, ang Sitio Electrification Program (SEP) 2023, na binigyan ng Kongreso ng Php1.6B na budget para mapailawan na rin ang mga natitira pang sitio sa buong bansa na wala pang serbisyo ng kuryente.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook account na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph


