CANORECO Balita

Follow-Up Collections, Isinasagawa sa Iba’t Ibang Bayan

Dahil sa banta ng COVID-19 pandemic at sa pagsailalim sa buong Luzon sa Enhanced Community Quarantine o ECQ noong Marso 16, 2020, ipinagpaliban muna ang mga follow up collection na buwan-buwang isinasagawa sa mga bayan ng Bicol Speaking Towns. Ito ay pagsunod na rin sa direktibang ipinatupad ng ating pamahalaan.

Kung kaya, upang mailapit ang serbisyo ng CANORECO sa mga miyembro-konsumidores, muling sinimulan ang mga follow up collection noong katapusan ng Abril 2020 sa iba’t ibang lugar sa Camarines Norte. At ngayong nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine o MGCQ ang lalawigan, magpapatuloy ang mga isinasagawang paglilibot sa bawat bayan.

Bago ang itinakdang araw ng pangongolekta o sa araw mismo ng pangongolekta, naglilibot sa naka-schedule na barangay ang mobile public announcement system ng CANORECO upang ipaalam sa mga mamamayan nito ang naturang aktibidad. Binabanggit dito kung ano ang aktibidad, saan, kelan, at mga mahahalagang panuntunan, gaya ng pagdadala ng billing statement, pagsusuot ng face mask at social distancing.

Sa ngayon, nakapangolekta na sa Brgy. Alawihao, Mantagbac, Mancruz, Calasgasan, Camambugan, Bagasbas at Awitan sa bayan ng Daet; sa Poblacion 1 at Brgy. San Felipe sa Basud; sa Poblacion, Brgy. Manguisoc at Lalawigan sa Mercedes; sa Poblacion, Talisay; sa Brgy. 1, Calangcawan Norte, Calangcawan Sur, Guinacutan, Napilihan at Sabang sa Vinzons; sa Poblacion, San Vicente; at sa Brgy. Daculang Bolo, Mampurog at Matacong sa San Lorenzo Ruiz.

Sinimulan na din ang mga follow up collection sa mga bayan ng Labo at Sta. Elena na sakop naman ng Area 2 Office ng CANORECO.

I-follow lamang ang Facebook page na Canoreco Balita para sa schedule ng mga barangay at bayan na dadayuhin at mga detalye ukol dito.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Finance Services Department (FSD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.