Tumaas ang billing rates na babayaran para sa June 2021 billing. Ang residential rate ay Php10.6891 per kWh na kumpara sa Php9.1443 per kWh lamang noong nakaraang May 2021 billing. Ang low voltage rate ay Php9.7355 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.1248 per kWh. Nagkaroon ng pagtaas na nasa Php1.5448 per kWh.
Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Generation Charge ng Php1.4611 per kWh bilang resulta ng mas mataas na average rate ng kuryente sa Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) na apektado ng mataas na presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Dahil ito sa pagbaba ng nasa 34% ng average supply margin ng kuryente kumpara sa nakaraang buwan na dahil naman sa mataas na demand o pangangailangan sa kuryente noong panahon ng tag-init na sinabayan ng mga hindi planadong outage ng mga power generators. Mas mataas din ang Newcastle Coal Index at US Consumer Price Index components sa billing ng APRI noong supply month ng May 2021.
Tumaas din ang System Loss Charge ng P0.1613 per kWh.
Samantala, bumaba naman ang Transmission Charge ng Php0.0343 per kWh dahil sa mas mababang average transmission rate sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Bahagyang bumaba rin ang Lifeline Subsidy, VAT Charges at GRAM/ICERA ng Php0.0432 per kWh.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa mga power supplier gaya ng WESM at APRI, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09190952707, at landline no. 054-5713796.

