Ang Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO) ay magdaraos ng ika- 37 na Taunang Pagpupulong Ng Pangkalahatang Kasapian sa Agosto 31, 2019, Sabado ganap na ala 1:00 ng hapon sa Labo Sports Complex.
Ang Lupon at pamunuan ng CANORECO ay mag uulat tungkol sa operasyon ng kooperatiba sa aspetong pinansyal, teknikal at institusyonal ng nakaraang taong 2019. Ang agenda ng pagpupulong ay ang mga sumusunod:
- Pagbasa at pag- aproba ng katitikan ng nakaraang pagpupulong
- Ulat ng Pangulo
- Ulat ng Ingat-Yaman
- Ulat ng Pangkalahatang Tagapamahala
- Iba pang paksang tatalakayin
- Malayang talakayan
- Adjournment
Tampok na bahagi ang panunumpa ng mga re-elected at bagong halal na Board of Director at bibigyan ng parangal ang mga personalidad at institusyon na may mahalagang naiambag sa kooperatiba sa taong 2018. Ang paksa ng palatuntunan ay “Sustaining the Strategic Partnership of the NEA-EC’s-MCO’s Towards Rural Development and Nation Building”. Inaasahan bilang panauhing pandangal ang mga bagong upong Party List representatives na sina Hon. Sergio C. Dagooc ng APEC, Hon. Presley C. De Jesus ng PHILRECA, Hon. Godofredo N. Guya ng RECOBODA at Hon. Adriano A. Ebcas ng AKO PADAYON.
Ang mga papremyo sa nasabing AGMA ay ang mga sumusunod:
- Grand Prize – two (2) winners of Php 50,000 cash
Major Prizes:
- 1st Prize – two (2) winners of Php 30,000.00 cash
- 2nd Prize – two (2) winners of Php 20,000.00 cash
- 3rd Prize – two (2) units of Refrigerator
Minor Prizes
- Thirteen (13) units of 40” TV
- Thirteen (13) units of 6.5 kg Washing Machine
- Thirteen (13) units of Mountain Bike
- Consolation Prizes- 52 units Desk Fan at 52 na 25kg na bigas
Tig-isa ang mananalo sa Bicol Speaking Towns at Tagalog Speaking Towns ng grand prize at major prizes.
Magkakaroon ng pre-registration sa Agosto 29, 2019 (Huwebes) hanggang Agosto 30, 2019 (Biyernes) sa bawat bayan na magsisimula ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. Gaganapin ang pre-registration sa mga sports complex ng bawat bayan maliban sa bayan ng Daet na gaganapin sa CANORECO Main Office. Samantalang sa mismong AGMA naman, Agosto 31, 2019 (Sabado) gaganapin ang registration ng lahat ng bayan sa Labo Sports Complex simulang 9:30 ng umaga.
Ang CANORECO ay magbibigay ng meal allowance at libreng transportasyon sa mga dadalong kasapi. Maaring makipag-ugnayan sa Multi-Sectoral Electrification Council o MSEAC Chairman ng bawat bayan o sa mga Area Offices ukol dito.
Magdala lamang ng CANORECO membership I.D na may picture o anumang valid I.D. para sa madaling pagpaparehistro. Kinakailangan din ang valid ID na may picture para sa maswerteng mananalo sa mga papremyo.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Sevices Department sa cellphone nos. 09212116180 at 09560525608 at landline number 054-5713717.

