CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE TUMAAS NGAYONG HULYO 2019

Tumaas ang singil sa kuryente ngayong Hulyo 2019 billing na babayaran sa Agosto  2019. Ang sanhi ng pagtaas ay ang mataas na Generation Charge partikular sa mataas na presyo ng biniling kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Naging dahilan din ang pagpapatupad ng Energy Regulatory Commission o ERC ng karagdagang Universal Charge – Stranded Contract Cost (UC-SCC) base sa ERC Case No. 2015-139RC dated April 10, 2019. Base sa nasabing order ng ERC, inaatasan ang mga Distribution Utilities na magkolekta ng karagdagang 5 centavos/kwh sa loob ng isang taon para sa Stranded Contract Cost ng National Power Corporation o NPC para sa taong 2014 na ireremit din naman ng CANORECO sa Power Sector Assets and Liabilities Management o PSALM.

 Ang rate sa residential para sa buwan ng Hulyo ay umabot ng P 10.4229 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng HunyoHunyo na P 10.1836 per kwh kung kaya sa kabuuan ay tumaas ang rate ng 24 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 9.4693 per kwh para sa buwan ng Hunyo kumpara sa P 9.2301 per kwh noong buwan ng Hunyo o tumaas din ng 24 centavos per kwh.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.