Ang naranasang Emergency Power Service Interruption noong September 11, 2022 (Linggo) ay dahil sa “Automatic Load Dropping (ALD) due to System Deficiency” dulot ng forced outages o unscheduled downtimes ng Unit 1 ng GNPower Dinginin Plant ng Ayala-Aboitiz joint venture; Calaca 2 Plant ng Consunji Group; Masinloc 2 at 3, at Sual 1 at 2 Plants ng San Miguel Group; at ang Quezon Power Plant.
Naka-derated o reduced capacities naman ang Unit 2 ng GNPower Mariveles Plant ng Ayala-Aboitiz Group; Unit 1 ng Masinloc Plant ng San Miguel Group; at Unit 2 ng South Luzon Thermal Energy Corporation (SLTEC) facility ng Ayala Group.
Naranasan ang nasabing ALD sa mga bayan ng MERCEDES, BASUD, SAN LORENZO RUIZ, DAET, SAN VICENTE, TALISAY, VINZONS, LABO, STA. ELENA at CAPALONGA; Brgys. Awitan, Bakal, Dancalan, Mampungo, Mangkasay, Tabas at Labnig sa PARACALE; at Brgys. San Martin, Tamisan, Sta. Elena, Sta. Cruz, San Pedro, San Jose, San Isidro, Salvacion, Nakalaya, Dayhagan at Dahican sa JOSE PANGANIBAN mula 7:52 ng umaga hanggang 8:03 ng umaga (11 minuto).
Naranasan din ito sa Brgys. Batobalani, Calaburnay, Capacuan, Dagang, Dalnac, Malacbang, Maybato, Pinagbirayan Malaki, Pinagbirayan Munti, Talusan, Gumaus, Tawig, Bagumbayan, Casalugan, Malaguit, Palanas, Poblacion Norte, Poblacion Sur at Tugos sa PARACALE; at sa Brgys. Sta. Rosa Sur, Bagong Bayan, Calero, Larap, Luklukan Norte, Luklukan Sur, Motherlode, OsmeƱa, Pag-asa, Parang, Plaridel, North Poblacion, South Poblacion, Sta. Milagrosa at Sta. Rosa Norte sa JOSE PANGANIBAN mula 7:55 ng umaga hanggang 8:03 ng umaga (8 minuto).
Ang ALD ay nangyayari kapag biglaang nawawalan ng suplay ng kuryente ang isa o ilang lugar dahil sa biglaang pagbaba ng suplay ng kuryente sa power grid dulot ng biglaang outage ng isa o ilang power plants. Ito ay minomonitor ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isang pribadong kompanya na nag-ooperate, nagme-maintain at nagde-develop ng electricity transmission grid ng bansa.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa Official Facebook Account ng CANORECO, ang Canoreco Balita, at sa Official Website, www.canoreco.com.ph.

