CANORECO Balita

PALIWANAG SA NANGYARING POWER INTERRUPTION NOONG HUNYO 17 AT 18, 2019

Ang nangyaring pag-on at pag-off ng serbisyo ng kuryente noong Hunyo 17, 2019, Lunes, hanggang umaga ng Hunyo 18, 2019 (Martes) na naranasan sa buong bayan ng San Lorenzo Ruiz, Basud, Coastal barangays ng Mercedes, Daet South at ilang bahagi ng Brgy. 4,8 at Lag-on sa bayan ng Daet ay dahilan sa naputol na jumper ng arrester sa  NFA, Lag-on, Daet. Ito ang dahilan kung kaya’t nagkaroon ng pag “on and off” ng kuryente simulang gabi ng Hunyo 17, 2019 hanggang madaling araw ng Hunyo 18, 2019. Agaran namang naisaayos ng technical team ng CANORECO ang nasabing problema.

 

Samantala, ang nangyaring extension ng pagkawala ng kuryente matapos ang naka iskedyul na momentary interruption ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP noong Hunyo 18, 2019, simulang 8:00 ng umaga hanggang 8:30 ng umaga na nauna nang nai announce ng CANORECO ay dahilan naman sa retightening ng disconnect switch sa may Lourdes College at naibalik ang serbisyo ng kuryente ng 8:54 ng umaga.

 

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 1 Office sa cellphone nos. 09212116180 at 09560525608 at landline number 054-5713717.