Bumaba ang singil sa kuryente ngayung Disyembre 2018 billing na babayaran ngayung Enero 2019. 41 centavos ang ibinababa ng blended rate ng Transmission at Generation Charge. Ang sanhi ng pagbaba ay dahilan sa mababang presyo ng biniling kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM at Aboitiz Power Renewables Inc. o APRI.
Dahil sa malamig na panahon, nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng APRI at WESM, bumababa ang presyo sa panahon na sapat ang suplay at mababa ang demand o pangangailangan.
Ang rate sa residential para sa buwan ng Disyembre ay umabot ng P 9.1325 per kwh kumpara noong nakaraang buwan ng NobyembreHunyo na umabot ng P 9.6462 per kwh kung kaya sa kabuuan ay bumababa ang rate ng 51 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.1789 per kwh para sa buwan ng Disyembre kumpara sa P 8.6926 per kwh noong buwan ng Nobyembre o bumaba ng 51 centavos per kwh din.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.

