Muling sisimulan ang Disconnection para sa mga Member Consumer Owners (MCOs) na may mga Arrears at kumukonsumo ng 41kWh pataas kada buwan.
Para naman sa mga MCOs na may mga Arrears at kumukonsumo ng 40kWh pababa kada buwan, sisimulan ang Disconnection Activities sa January 1, 2021.
Ito ay base sa inilabas na direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong October 29, 2020 bilang bahagi ng Republic Act (RA) 11494 o “Bayanihan To Recover As One Act”.
Ayon dito, ang mga MCOs na hindi makapagbabayad ng kanilang konsumo sa kuryente hanggang December 31, 2020 ay hindi maaaring putulan kung ang kanilang monthly consumption ay hindi lalampas sa doble ng inaprobahang maximum lifeline consumption level ng ERC.
Lifeline Consumers ang tawag sa mga MCOs na kumukonsumo ng hindi tataas sa 20kWh kada buwan base sa Section 73 ng Republic Act (RA) 9136 o “Electric Power Industry Reform Act (EPIRA)” at sa desisyon ng ERC noong January 9, 2008 na nagtatalaga ng Lifeline Consumers para sa CANORECO.
Inaasahang sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay magsusumikap ang mga MCO na makapagbayad ng kanilang mga bayarin sa kuryente lalong lalo na iyong may mga “arrears”. Ang CANORECO ay may mga due date rin at kinakailangang magbayad sa mga power supplier, transmission utility, at iba pa.
Maaari namang sumali sa “Pay To Win Christmas 2020 Raffle Promo” ng CANORECO ang mga MCO na walang “arrears” sa kooperatiba. Maaaring mapanalunan ng mga MCO sa December 30, 2020 ang mga grocery package, mga kalahating sako ng bigas, mga mountain bike, mga tablet at isang multicab.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) at Finance Services Department (FSD) sa mga numerong 09081865100 at 054-5713796.


