Bumaba ang billing rates na babayaran para sa November 2020 billing. Ang residential rate ay Php8.6826 per kWh na lamang kumpara sa Php8.9130 per kWh noong nakaraang October 2020 billing. Samantala, ang low voltage rate ay Php7.7291 per kWh na lang at ang high voltage rate naman ay Php6.0536 per kWh na lang. Nagkaroon ng pagbabang Php0.2303 per kWh.
Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Generation Charge ng Php0.2347 per kWh, System Loss Charge ng Php0.0208 per kWh, at VAT Charges ng Php0.0439 per kWh.
Samantala, tumaas naman ng Php0.05 per kWh ang Transmission Charge, at ng Php0.0190 per kWh ang Senior Citizen Subsidy, Lifeline Subsidy at GRAM/ICERA.
Ang pagbaba ng Generation Charge ay dahil sa mas mababang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), at sa Operation and Efficiency Discount at Security Deposit Incentive mula sa Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) para sa panahon ng July 26, 2020 hanggang October 25, 2020 na nasa Php 0.0899 per kWh. Ang WESM at APRI ay ang mga power supplier na binibilhan ng kuryente ng CANORECO.
Tumaas naman ang Transmission Charge dahil sa mas mataas na average transmission rate sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na siyang tagapaghatid ng kuryente mula sa mga power supplier papunta sa mga substation ng CANORECO.
Ang mga components na ito ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa mga power supplier gaya ng WESM at APRI, at sa transmission utility gaya ng NGCP.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.


