CANORECO Balita

Tulong Tulong sa Pagbangon: CANORECO Relief Operations 2020

Kasunod ng pananalasa ni Super Typhoon (STY) “Rolly” hanggang kay Typhoon (TY) “Ulysses” sa Bicol Region nitong buwan ng November 2020, nakapamahagi na ng relief packs ang CANORECO sa mga residente ng limang (5) barangay sa Camarines Norte – sa Brgy. San isidro, Daet; Brgy. Laniton, Basud; Brgy. San Isidro, Talisay; Brgy. Anahaw, Labo; at Brgy. Guinacutan, Vinzons.

Magpapatuloy ang pamamahagi ng mga relief packs sa mga residente ng iba pang mga barangay sa lalawigan sa mga susunod na araw. Gayundin ang pagpapadala ng mga relief packs sa mga residente ng lalawigan ng Albay na isa sa mga pinakamalubhang dinaanan ni STY “Rolly”.

Lahat ng ito ay sa tulong ng mga sumusunod:
1. Camarines Norte Electric Cooperative Inc. (CANORECO) na nag-donate at nag-repack ng sako-sakong bigas;
2. San Miguel Corporation na nagpadala ng kahon-kahong Great Taste Premium Coffee, San Mig Coffee Original, Lucky Me Instant Noodles, Purefoods Vienna Sausage, Star Nutri-Meats, at Ulam King;
3. Lahat ng empleyado ng CANORECO na nag-donate ng Php500.00 bawat isa; at
4. Mga empleyado at member consumer owners (MCOs) ng CANORECO na nag-donate ng mga damit at iba pa.

Matatandaan ding nagpadala ang CANORECO ng isang grupo ng mga Lineman para sa Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid sa Camarines Sur 1 Electric Cooperative Inc. (CASURECO 1) noong November 8, 2020 bago manalasa si TY “Ulysses” sa kalagitnaan ng sarili nitong power restoration activities mula sa damages na dala ng naunang si STY “Rolly”.

Isa man sa mga lalawigan na nilapitan nila STY “Rolly” at TY “Ulysses” at isa man sa mga franchise area na lubhang na-damage ng mga naturang bagyo patunay ang ilang linggong pagsasaayos ng mga natumbang poste, naputol na linya at nasirang transformer at kuntador, nagagawa pa rin ng CANORECO ang pagpapaabot ng tulong sa mga MCOs at sa mga karatig franchise area nito.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (FSD) sa mga numerong 09081865100 at 054-5713796.