Tumaas ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa December 2023 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 10.0796 per kWh kumpara sa Php 7.4376 per kWh noong nakaraang November 2023 billing. Ang low voltage rate ay Php 9.6081 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php 8.0484 per kWh. Ang pagtaas na ito ng Php 2.6420 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
Bilang pagtupad sa ERC Resolution No. 14, Series of 2022, tumaas ang mga sumusunod na pass-through charges: Generation System Charge, Transmission System Charge, System Loss Charge, Lifeline Rate Subsidy at Senior Citizen Subsidy.
Tumaas ang Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) sa Php0.2494 per kWh na siyang kabuuan ng Php 0.0239 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2013-191 RC noong August 4, 2022 at Php0.0433 per kWh alinsunod naman sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case Nos. 2014-089 RC at 2016-008 RC noong March 22, 2023 na parehong kinokolekta ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation; at Php0.1822 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2022-014 RC noong September 5, 2023 na kinokolekta naman ng National Power Corporation (NPC).
Samantala, suspendido pa rin ang pagkolekta ng Metering Charge na Php 0.4326 per kWh bilang pagsunod sa ERC Resolution No. 07, Series of 2023 hanggang sa makakuha ang CANORECO sa ERC ng Certificate of Authority na mag-operate at mag-maintain ng Meter Shop.
Gayundin, suspendido pa rin ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0364 per kWh alinsunod sa ERC Resolution No. 11, Series of 2023 na nagpalawig ng pansamantalang pagsuspinde sa pagkolekta ng FIT-All Charge mula September 2023 hanggang sa ipahinto ito ng ERC.
Sa pagtaas ng power rate na babayaran ngayong January 2024 para sa mga konsumo sa kuryente noong December 2023, madadagdagan ng Php264.20 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php528.40 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 792.60 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa December 2023 power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 5.7406 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 0.7114 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.7335 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.2885 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4273 per kWh; at sa DS(M) Charges ay Php 1.1783 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/(Metering) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng Energy Regulatory Commission (ERC). Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph.

