Nagkaroon ng scheduled power service interruption ang CANORECO noong June 13, 2020 mula 6:00 hanggang 11:00 ng umaga sa bahagi ng Brgy. Lag-on, Brgy. 1, 2, 3, San Isidro, Cobangbang, Mambalite, Pamorangon, Camambugan, Magang, Mancruz, Calasgasan at Bibirao sa bayan ng Daet; Coastal Mercedes; Basud; San Lorenzo Ruiz; at Brgy. San Vicente, Lupi, Camarines Sur.
Ito ay upang ipagpatuloy ang paghahanda sa electrical connection ng SM City Daet. Nag-relocate ng triple circuit line at nag-transfer ng load ng Lag-on 10MVA papunta sa bagong 20MVA substation.
Ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay nagkaroon din ng scheduled power service interruption sa parehong araw mula naman 9:00 hanggang 11:00 ng umaga sa buong lalawigan ng Camarines Norte maliban sa mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban.
Ito naman ay upang mapadali ang load shift ng kanilang Talisay 69kV feeder mula Labo T01 papuntang T02, at upang pangasiwaan ang hotspot correction sa kanilang power transformer (Tie DS 5-01DS25LBO, Phase A, PT side).
Habang isinasagawa ang mga naturang aktibidad, nagkaroon ng pagpapalit ng tatlong (3) poste sa Brgy. Magang, Daet at paglilinis ng linya sa mga bahagi ng Itomang, Talisay; Brgy. 3, Daet; at Poblacion, Basud.
Kinahapunan, nag-anunsyo ang CANORECO ng emergency power interruption sa mga parehong lugar mula 5:00 hanggang 6:00 ng hapon sa kadahilanang may kinailangang iwasto sa phasing ng feeders ng bagong 20MVA substation sa Lag-on.
Muling naibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga apektadong miyembro-konsumidores 11:34 ng umaga at 5:28 ng hapon.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Technical Services Department (TSD) Office at Area 1 Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.

