Nakapagsagawa ang CANORECO ng Continuing Professional Development (CPD) training para sa mga Electrical Engineer nito noong February 18-21, 2021 sa Function Hall/4th Floor ng CANORECO Bldg., Daet, Camarines Norte sa pamamagitan ni Engr. Joshua P. Fernandez, MPA, CSS ng NiggaJosh Electrical Supplies and Services.
Ito ay dahil hinahanapan ng Professional Regulation Commission (PRC) ang isang Electrical Engineer ng 15 CPD points bago ito makapag-renew ng PRC license. Ang points na ito ay makukuha lamang sa mga accredited training at sa Annual National Convention na sa Lungsod ng Maynila ginaganap. Ngunit dahil sa banta ng COVID-19, hindi ito maaaring gawin sa ngayon.
Kaya naman nasa sampung (10) Electrical Engineers ng kooperatiba ang dumalo at nagkamit ng 15 CPD points sa nasabing training matapos ang apat (4) na araw na pagsasanay sa โLoad Flow and Short Circuit Calculationsโ.
Ang pagsasanay na ito ay nagpapadagdag sa kaalaman ng mga Electrical Engineers lalo na sa pagpapabuti ng planning at assessment sa sistema ng kooperatiba. Magagamit din ito sa pag-aaplay ng Capital Expenditure (CAPEX) na isa sa mga paraan para magkaroon ng pondo para sa pagsasaayos ng mga linya at sa pagbili ng mga apparatus at equipment para sa mas maayos na serbisyo.
Ang CPD ay tumutukoy sa proseso ng pagsubaybay at pagdodokumento ng mga kasanayan, kaalaman at karanasan na nakukuha ng isang propesyonal sa pormal at impormal na pamamaraan habang nagtatrabaho, na lampas sa anumang paunang pagsasanay.
Ang PRC naman ang nangangalaga at nangangasiwa sa kasanayan ng mga propesyonal (maliban sa mga abogado na pinangangasiwaan ng Supreme Court) na bumubuo sa highly-skilled manpower ng bansa.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone nos. 09081865100, 09190952707 at landline no. 054-5713796.


