CANORECO Balita

CANORECO, Muli na Naman Nagpadala ng Task Force sa Catanduanes

Muli na namang nagpadala ang CANORECO ng isang grupo ng Task Force noong February 17, 2021 sa First Catanduanes Electric Cooperative Inc. (FICELCO). Mananatili sila sa San Andres, Catanduanes, kung saan sila in-assign, hanggang February 28, 2021.

Pang-apat (4) na grupo na ito ng mga Lineman na ipinadala ng kooperatiba mula December 2020 upang tumulong na mapabilis ang pagpapanumbalik ng serbisyo ng kuryente sa nasabing lalawigan/isla na lubhang sinalanta ng mga bagyo noong November 2020.

Ito ay bilang bahagi ng Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid (TFK) ng National Electrification Administration (NEA), Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA), at ng One EC Network Foundation ng One EC MCO Movement na binubuo ng PHILRECA Partylist, Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) Partylist, Ako Padayon Pilipino Partylist at Rural Electric Consumers & Beneficiaries of Development & Advancement (RECOBODA) Partylist.

Base sa mga talang inilabas ng FICELCO noong February 16, 2021, nasa 85.11% na ang porsyento ng mga kabahayang napailawan sa Catanduanes mula sa 32.51% noong November 30, 2020 at nasa 77.78% naman ang porsyento ng mga barangay na napailawan mula sa 30.48%.

Magpapatuloy ang nasabing power restoration hanggang mapanumbalik muli ang serbisyo ng kuryente sa lahat ng kabahayan at barangay sa naturang lalawigan/isla. Kaya naman, #BangonFICELCO!

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa cellphone nos. 09081865100, 09190952707 at landline no. 054-5713796.