CANORECO Balita

Paliwanag sa mga Emergency Power Service Interruption Noong June 19, 2020

Ang naranasang Emergency Power Service Interruption noong June 19, 2020 (Biyernes) simulang 7:51 ng umaga sa buong lalawigan ng Camarines Norte maliban sa Paracale at Jose Panganiban ay dahil sa pagkasunog ng power transformer, medium voltage switchgear (MVSG), mga recloser at battery charger ng Talobatib SubStation ng CANORECO.

Nai-resume ang serbisyo ng kuryente sa oras na 8:51 ng umaga sa mga apektadong bayan ng Camarines Norte maliban sa mga lugar sa mga bayan ng Labo, Jose Panganiban, Paracale at Vinzons na sakop ng nasunugan na Talobatib Substation.

Upang bigyang-daan ang load shifting na ginawa para mapailawan agad ang Poblacion ng bayan ng Labo, muling nakaranas ng Emergency Power Service Interruption ang ilang bahagi ng nasabing bayan.

Nagkaroon din ng Emergency Power Service Interruption sa parehong araw simulang 11:20 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa mga bayan ng Talisay at Vinzons sanhi ng paglipat ng load ng Labo Line ng Talobatib SubStation papuntang Talisay-Vinzons Line ng Calintaan SubStation. Nai-resume ang serbisyo ng kuryente sa oras na 11:24 ng umaga.

Kaugnay nito, nagkaroon ng Emergency Power Service Interruption mula 1:30 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi sa Brgy. Alawihao, Dogongan at ilang bahagi ng Lag-on sa bayan ng Daet; ilang bahagi ng Brgy. Binanuaan, Itomang at Cahabaan sa bayan ng Talisay; at buong bayan ng San Vicente upang ilipat ang load ng San Vicente Line ng Calintaan SubStation papuntang Feeder 4 ng 10MVA Lag-on SubStation.

Kung kaya naman, nagkaroon din ng Emergency Power Service Interruption mula 2:30 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi sa Central Plaza Complex hanggang SM Hypermarket sa bayan ng Daet โ€“ mga lugar na sakop ng Feeder 1 ng 10MVA Lag-on SubStation. Nai-resume ang serbisyo ng kuryente sa mga nasabing lugar sa oras na 3:56 ng hapon.

Samantala, nag-trip ang San Vicente Line sa oras na 4:04 ng hapon ngunit naibalik din naman agad ang serbisyo ng kuryente sa oras na 4:22 ng hapon matapos makapagwasto ng phasing.

Nagkaroon din ng mga pag-trip sa Talisay-Vinzons Line mula 6:26 hanggang 7:19 ng gabi kaya naman muling nagkaroon ng Emergency Power Service Interruption mula 7:45 hanggang 9:00 ng gabi simulang Tulay na Lupa sa bayan ng Labo, at buong bayan ng Vinzons at Talisay. Matapos makapag-ayos ng linya, naibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga nasabing lugar sa oras na 8:29 ng gabi.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Technical Services Department (TSD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.