Dahil sa layunin ng National Electrification Administration o NEA na mapa unlad ang mga miyembro konsumidores ng mga kooperatiba, itinatag ang Member Consumer Owner o MCO.
Dahil dito, nakapag organisa ang CANORECO ng mga MCO sa bawat barangay na isinagawa noong nakaraang taon hanggang ngayong taon. Ang mga representative ng bawat barangay ay galing sa iba’t ibang sektor. Na organisa ang mga opisyales sa bawat barangay at meron din sa bawat bayan.
Kaugnay nito, nagkaroon ng eleksyon para sa Provincial Level noong Disyembre 5, 2019 na ginanap sa CANORECO Function Hall. Ito ay dinaluhan ng mga Chairman ng ilang bayan sa Camarines Norte. Kasama rin sa nasabing pagtitipon ang District Director ng Daet North, Engr. Benny Elevado, District Director ng Talisay/San Vicente, Mr. Bartolome Armin Nieva, at pamunuan ng CANORECO sa pangunguna ng ISD Manager, Mary Ann Moreno at ilang kawani ng CANORECO.
Naihalal na Chairman Si Mr. Leonardo Hernandez ng Talisay, Vice- Chairman, Mr. Samson Sario ng San Lorenzo Ruiz, Secretary, Ms. Cristina Malate ng Daet North, Treasurer , Ms. Lucita Ramboyong ng Sta. Elena at Mr. Segundo Gerio ng Paracale bilang PIO.
Ang mga MCO ang magiging katuwang ng kooperatiba sa information dissemination at mga programa nito para sa mga miyembro konsumidores.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa teleponong 571-3717 at hotline number 09081865100.

