Isa sa mga istratehiya ng pamunuan ng CANORECO upang matulungan ang mga miyembro konsumidores para mapagaan ang kanilang babayaran sa kuryente ay ang pagbibigay ng penalty condonation sa mga may moroso o arrears na powerbills simulang 2016 pababa sa anumang uri ng consumer.
Kasama ito sa mga programa ng CANORECO na may layuning mapataas ang collection efficiency sa 98% at matulungan ang mga miyembro konsumidores na mapagaan ang kanilang bayarin sa powerbills.
Sa makatuwid, ang babayaran lamang ng gustong mag avail ay ang kaniyang power bill at ang penalty ay mawawala. Ang bisa ng programang ito ay simulang Agosto 23, 2019 hanggang sa Disyembre 31, 2019 lamang.
Ang mga kwalipiladong mag avail ng programa ay ang mga sumusunod;
- Lahat ng mga miyembro konsumidores na may mga powerbills na hindi pa bayad simulang 2016 pababa sa kondisyong babayaran nila ang mga moroso ng buo bago matapos ang taong 2019.
- Ang mga Area Offices ay siyang magsusuri kung karapat dapat na mag avail ang isang consumer at gagawa ng rekomendasyon gamit ang overriding form para maalis ang penalty at maiapply ng Internal Audit Department.
- Ang mga miyembro konsumidores na may malalaking utang ay dapat maka alam sa patakarang ito sa pamamagitan ng demand letter.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Finance Services Department sa teleponong 571-3717, 09081865100 at 09560525608.

