Tig-isang kandidato lang ang nag file ng Certificate of Candidacy para sa District Elections sa Basud at Capalonga. Dahil dito, tig isang presinto lang ang bubuksan sa mga nasabing munisipalidad partikular sa Basud Elementary School at sa Capalonga Elementary School. Ang iba pang voting centers na nauna nang nai-post ng CANORECO sa mga barangay ay hindi na bubuksan.
Base sa ginawang evaluation ng Screening Committee, idineklarang kwalipikadong kandidato para sa Distrito ng Basud ang mga incumbent Directors at sole candidates na sina Director Cesar l. Elizario at Director Allan V. Ojas naman sa Capalonga District.
Sa Hulyo 20, 2019 (Sabado) naman nakatakda ang district election sa District V (Talisay/San Vicente). Hanggang sa Hulyo 10, 2019 (Miyerkules) naman tatangap ng COC ang CANORECO para sa mga interesadong kumandidato sa nakatakdang election. Magsadya lamang sa Institutional Services Department upang makakuha ng COC.
Ang District Election Committee o DECOM na binubuo ng mga District Supervisors, Principals/Head Teachers ang syang mamamahala sa mga nasabing elections at mga guro at isang (1) empleyado ng CANORECO ang magpaparehistro sa bawat presinto.
Samantala, ang mga mananalong Board of Director ay magsisilbi na lamang sa natitirang termino o dalawang taon ayon sa nakasaad sa Memorandum ng National Electrification Administration o NEA na nauna ng naibalita ng CANORECO.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Institutional Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.

