Muling isinagawa ang Task Force Bayanihan Right of Way (ROW) clearing of lines ng CANORECO noong August 8, 2020 mula 6:00AM hanggang 12:00PM kasabay ng power service interruption para sa ilang maintenance work. Sa pagkakataong ito, sa mga lugar na sakop naman ng San Vicente Line Feeder 4 ng Lag-on 10mVa SubStation – bahagi ng Brgy. Cahabaan, Calintaan, Itomang at Binanuaan sa bayan ng Talisay; Brgy. Dogongan, Alawihao at bahagi ng Lag-on sa bayan ng Daet; at buong bayan ng San Vicente.
Bahagi ang naturang aktibidad ng contingency measures ng Kooperatiba ngayong panahon ng pandemya sapagkat napakahalaga nito para sa damage prevention, increased visibility, easier access at public safety ng mga member-consumer-owner (MCO).
Ang task force na ito ay pinamumunuan ni General Manager Zandro R. Gestiada. Ang bahagi ng bayanihan clearing ay pinangunahan ni Safety Officer Engr. Reymond Rada kasama ang mga itinalagang Team Leaders na sina Engr. Allan Kristopher Augusto, Engr. Marc Christian Bellen at Engr. Rojan Panotes, at ang kanilang mga volunteer. Samantala, pinangunahan naman ni Area 1 Manager Engr. Rafael Villagracia ang 13.2kVa backbone line maintenance katulong ang kanyang mga Lineman.
Nakapagpalit ng walong (8) poste sa mga barangay ng Alawihao at Dogongan sa bayan ng Daet, at Brgy. Mang-ogob sa San Vicente. Nakapaglipat din ng secondary lines sa Brgy. Binanuaan, Talisay. At nakapaglinis ng linya mula Lag-on Diversion Road hanggang sa bayan ng San Vicente.
Magpapatuloy ang aktibidad na ito ng mga kawani ng CANORECO para sa pagpapanatili ng integridad at kaligtasan ng mga linya ng kuryente sa buong Camarines Norte.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Area 1 Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.





