CANORECO Balita

PALIWANAG SA EMERGENCY POWER SERVICE INTERRUPTION NG NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES (NGCP) SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE NOONG AUGUST 17, 2021

PALIWANAG SA EMERGENCY POWER SERVICE INTERRUPTION NG NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES (NGCP) SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE NOONG AUGUST 17, 2021

Ang naranasang Emergency Power Service Interruption sa mga bayan ng MERCEDES; BASUD; SAN LORENZO RUIZ; DAET; SAN VICENTE; TALISAY; VINZONS; LABO; STA. ELENA; CAPALONGA; PARACALE maliban sa Brgys. Bagumbayan, Casalugan, Labnig, Malaguit, Palanas, Poblacion Norte, Poblacion Sur, Tugos at bahagi ng Tawig; at Brgys. San Martin, Tamisan, bahagi ng Luklukan Sur at bahagi ng Sta. Rosa Sur sa JOSE PANGANIBAN noong August 17, 2021 (Martes) mula 10:56 ng umaga hanggang 11:20 ng umaga (24 minuto) ay dahil sa pag-trip ng 230kV Line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na galing ng Gumaca, Quezon Province kaya nawalan ng kuryente ang 50MVA Power Transformer nito na nasa Brgy. Talobatib, Labo.

Dahil dito, pansamantalang inilipat ng NGCP ang load na dala ng nag-power outage nilang 50MVA Power Transformer sa kanilang 100MVA Power Transformer upang muling mapailawan ang lalawigan. Ibinalik din naman ito agad kahapong 5:05 ng hapon hanggang 5:17 ng hapon matapos ng paunang anunsyo na magkakaroon ng emergency power service interruption ang NGCP sa pagitan ng 5:00 ng hapon hanggang 5:30 ng hapon.

Ang 50MVA Power Transformer (Transformer 2) o Labo-Talisay Line ng NGCP ay mula sa 230kV Line ng NGCP sa Gumaca, Quezon. Ang power transformer na ito ang nagta-transmit ng suplay ng kuryente papunta sa Malatap Substation, Talobatib Substation, Calintaan Substation at Lag-on Substation ng CANORECO. Ang mga lugar na sinusuplayan nito ng kuryente ay ang mga bayan ng Mercedes, Basud, San Lorenzo Ruiz, Daet, San Vicente, Talisay, Vinzons, Labo, Sta. Elena, Capalonga, at ilang mga barangay ng Paracale at Jose Panganiban.

Ang 100MVA Power Transformer (Transformer 1) o Labo-Paracale Line ng NGCP ay mula naman sa 230kV Line ng NGCP sa Libmanan, Camarines Sur. Ang power transformer naman na ito ang nagta-transmit ng suplay ng kuryente papunta sa Tawig Substation at Sta. Rosa Substation ng CANORECO. Ang mga lugar naman na sinusuplayan nito ng kuryente ay ang ilang mga barangay ng mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban.

Sa kasalukuyan ay wala pang impormasyon mula sa NGCP kung bakit nag-trip ang kanilang 230kV Line sa Gumaca, Quezon Province.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa Official Facebook Account ng CANORECO, ang Canoreco Balita, at sa Official Website, www.canoreco.com.ph.