Bahagyang tumaas ang billing rates na babayaran para sa October 2021 billing. Ang residential rate ay Php10.6519 per kWh na kumpara sa Php10.5173 per kWh lamang noong nakaraang September 2021 billing. Ang low voltage rate ay Php9.6983 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.1352 per kWh. Nagkaroon ng bahagyang pagtaas na nasa Php0.1346 per kWh.
Ang bahagyang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Generation Charge ng Php0.0727 per kWh na resulta ng pagtaas ng Weighted Average Time of Use (TOU) ng Aboitiz Power Renewables, Inc. (APRI) ng Php0.0811 per kWh na dahil naman sa tuloy-tuloy na pagtaas ng Newcastle Coal Price Index pati na rin ng Foreign Exchange Rate para sa supply month na September 2021.
Tumaas rin ang Transmission Charge ng Php0.0519 per kWh dahil sa mas mataas na average transmission rate ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Bahagyang tumaas rin ang System Loss Charge ng Php0.0130 per kWh at ang Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) ng Php0.0037 per kWh.
Samantala, bumaba naman ang Value Added Tax (VAT) ng Php0.0068 per kWh. Nanatili naman ang Lifeline Rate Subsidy sa Php0.0128 per kWh at ang Senior Citizen Discount sa Php0.0004 per kWh.
Bumaba rin ang Effective Rate mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng Php0.4326 per kWh dahil sa sapat na suplay ng kuryente sa Luzon Power Grid.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa power supplier gaya ng APRI at power seller gaya ng WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/ agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph

