CANORECO Balita

POWER RESTORATION NG CANORECO TULUY-TULOY PA RIN





 

Tuloy-tuloy ang isinasagawang power restoration ng CANORECO sa buong probinsya mula ng humagupit ang bagyong “Tisoy” noong Disyembre 2 at 3, 2019.

 

Base sa initial assessment  at isinagawang inspection ng Technical Sevices Department ng CANORECO hanggang Disyembre 5, 2019, apatnaput-apat (44) na poste, mga insulators, at linehardwares ang nasira na nagkakahalaga ng P 2.2M, maliban dito ang mga nasirang transformer, metro at service drop.

 

Matapos ang bagyo, na-energize ang mga substations at naibalik ang suplay ng kuryente sa probinsya noong Miyerkules, Disyembre 3, 2019 sa ganap na 11:39AM.

 

Sa kasalukuyan ay napailawan na ang Poblacion area at ilang bahagi ng mga munisipalidad maliban sa mga bayan ng Sta. Elena at Capalonga na inaasahang mapapailawan ngayong Disyembre 5, 2019. 84 na mga barangay o 31% ng kabuuang barangay o 52% ng kabuuang bilang ng kabahayan ang napailawan na ng CANORECO.

 

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang power restoration sa mga lateral lines at interior na bahagi ng probinsya. Ilang grupo ng technical personnel ang binuo para sabay-sabay ang power restoration. Nagdagdag din ng manpower ang pamunuan sa pamamagitan ng outsourcing mula sa mga electrical contractors at private electricians upang mas mapabilis ang restoration.

 

Pinapayuhan ang mga member-consumers na agarang ireport sa hotline number ng CANORECO ang mga putol na linya at mga lugar na wala pang serbisyo ng kuryente upang mapuntahan ng technical personnel ng CANORECO bagamat isinasagawa din ng CANORECO ang inspection.

 

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Technical Services Department (TSD) sa teleponong 571-3717 at hotline number 09081865100.