Isinagawa ang District Election ng CANORECO sa distrito ng Jose Panganiban noong July 8, 2023 (Sabado) mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Jose Panganiban ES (Poblacion), Osmeña Brgy. Hall (Osmeña), Plaridel Brgy. Hall (Plaridel/Motherlode), Calogcog ES (Luklukan Norte), Regino A. Yet ES (Luklukan Sur), Parang ES (Parang), Calero ES (Calero/Nakalaya), Sta. Milagrosa RHU (Pag-asa/Sta. Milagrosa), Segundo Aguirre ES (Sta. Rosa Norte), Roman A. Heraldo ES (Sta. Rosa Sur/San Rafael), Larap ES (Larap/Sta. Elena/Dayhagan/Salvacion/Dahican), Sta. Cruz HS (San Isidro/San Pedro/Sta. Cruz/San Jose/San Martin), Bagong Bayan Brgy. Hall (Bagong Bayan), at D. Albonia ES (Tamisan).
Sa dalawang kwalipikadong kandidato, nakakuha si Mr. Rosalino A. Avila ng 241 votes samantalang si Mr. Balbino Boral Jr ay nakakuha naman ng 525 votes. Sa kanyang pagkapanalo, muling magsisilbing Director o Representative ng mga MCO sa Jose Panganiban si Incumbent Director Balbino “Bal” S. Boral Jr. sa loob ng tatlong (3) taon.
Pinangasiwaan ang nasabing election nila District Election Committee (DECOM) Chairman Rhocil Reyes (Principal ng Roman A. Heraldo ES); Secretary Milarose C. Duka (Principal ng Sta. Elena ES); 3rd Member Lani Smith (MCO Municipal Chairman ng Jose Panganiban); nasa 38 na Precinct Election Committee (PECOM) Teachers ng Jose Panganiban; at mga kawani ng kooperatiba.
Nagpapasalamat pong muli ang CANORECO sa Department of Education – Division of Camarines Norte sa patuloy na pagsuporta sa mga District Election na isinasagawa ng kooperatiba; at sa mga MCO na nag-exercise ng kanilang obligasyon at karapatang bumoto ng kanilang representante sa kooperatiba.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph


