Muling nakapamahagi ng relief packs ang CANORECO kasunod ng pananalasa ng mga bagyo sa lalawigan noong buwan ng November 2020. Sa pagkakataong ito ay sa mga residente naman ng Brgy. Gumaus, Paracale at ng Brgy. Parang, Jose Panganiban.
Matatandaang nakapamahagi na ng relief packs ang kooperatiba sa mga residente ng Brgy. San Isidro, Daet; Brgy. Laniton, Basud; Brgy. San Isidro, Talisay; Brgy. Guinacutan, Vinzons; at Brgy. Anahaw, Labo. Gayundin ang pagpapadala ng mga damit at iba pang gamit sa lalawigan/isla ng Catanduanes na pinakamalubhang dinaanan ng mga nagdaang bagyo.
Lahat ng ito ay sa tulong ng mga sumusunod:
1. Camarines Norte Electric Cooperative Inc. (CANORECO) na nag-donate at nag-repack ng sako-sakong bigas;
2. San Miguel Corporation na nagpadala ng kahon-kahong Great Taste Premium Coffee, San Mig Coffee Original, Lucky Me Instant Noodles, Purefoods Vienna Sausage, Star Nutri-Meats, at Ulam King;
3. Lahat ng empleyado ng CANORECO na nag-donate ng Php500.00 bawat isa; at
4. Mga empleyado at member consumer owners (MCOs) ng CANORECO na nag-donate ng mga damit at iba pa.
Matatandaan ding tatlong (3) beses nang nakapagpadala ang kooperatiba ng mga grupo ng Lineman para sa Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid sa First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) noong December 1, 2020, at January 6 at 27, 2021 upang tumulong sa pagpapanumbalik ng serbisyo ng kuryente sa nasabing lalawigan/isla.
Naging matagumpay ang mga aktibidad na ito dahil na rin sa pagtutulungan ng mga MCOs, mga opisyales at mga empleyado ng CANORECO.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (FSD) sa mga numerong 09081865100, 09190952707 at 054-5713796.



