CANORECO Balita

PATULOY ANG PARTISIPASYON NG CANORECO SA TUPAD #BKBK NG DOLE

Dumalo ang pamunuan ng CANORECO sa pag-turnover ng cheke para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers Program #Barangay Ko Bahay Ko (TUPAD #BKBK) ng Brgy. Tugos, Paracale noong February 3, 2021 sa Department of Labor and Employment, Camarines Norte Field Office.

Ang kaganapan ay dinaluhan ng mga opisyales ng CANORECO na sina Engr. Edwin Lamadrid, Board President; GM Zandro Gestiada, General Manager; Ms. Mary Ann Moreno, Institutional Services Manager; Ms. Rhea Aivee Peรฑalosa, Member Services Chief; Head ng DOLE Camarines Norte Field Office na si Atty. Arturo Corbe; at mga opisyales ng Brgy. Tugos, Paracale.

Ang TUPAD ay isa sa mga pangunahing programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong makatulong sa pagbawas ng kahirapan at sa pagtaguyod ng kaunlaran. Ito ay isang community-based package of assistance na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga displaced, underemployed at self-employed workers.

Kabilang ang Rural Electric Consumers & Beneficiaries of Development & Advancement (RECOBODA) sa mga nag-donate sa DOLE para sa nasabing programa. Dahil ang RECOBODA ay bahagi ng PHILRECA, ang umbrella organization ng 121 electric cooperatives (ECs) sa buong bansa, naging tungkulin ng mga EC na humanap ng mga benepisyaryo ng naturang donasyon sa tulong ng DOLE.

Isa sa mga napili ng CANORECO mula sa listahan ng DOLE Camarines Norte ay ang mga underemployed, self-employed at displaced marginalized workers ng Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone nos. 09081865100, 09190952707 at landline no. 054-5713796.