Sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre, muli po naming binabati ang mga Member Consumer Owners (MCOs) ng CANORECO sa selebrasyon ng ating 46th Foundation Anniversary!
Sana po ay nakatulong po sa ating mga MCO at sa ating komunidad ang mga aktibidad na isinagawa ng ating kooperatiba ngayong buwan:
– Brigada Eskwela sa F. Baldovino Elementasry School at sa Moreno Integrated School sa Daet;
– Tree Planting sa Resettlement Site sa Brgy. Matacong, San Lorenzo Ruiz;
– MCO Community Pantry sa CANORECO Talisay Main Office;
– MCO Community Pantry on Wheels sa Manide Tribe sa Brgy. Osmeña at sa mga residente ng Brgy. Parang sa Jose Panganiban;
– Cleanup Drive sa tabing-dagat ng Brgy. San Jose, Talisay;
– MCO Community Pantry sa CANORECO Daet Area Office; at
– MCO Community Pantry on Wheels sa Coastal barangays ng Mercedes.
Ang mga opisyal at empleyado naman po ng ating kooperatiba ay nagkaroon ng isang simpleng programa noong October 22, 2021 sa CANORECO Talisay Main Office kung saan pinarangalan ang mga empleyado na nakapagserbisyo na sa ating kooperatiba at sa mga MCOs nito nang mahigit dalawampung (20) taon. Kinilala din po ang mga empleyado ng kooperatiba na nagpamalas ng kagalingan ngayong buwan ng Oktubre.
Maraming salamat po sa lahat ng MCOs at mga Director, sa General Manager at sa lahat ng empleyado ng CANORECO. Nawa’y maging mas maayos pa po ang ating samahan sa mga susunod pang taon ng Rural Electrification.
#Happy46thFoundationAnniversary
#CANORECOItoAyAtinPangalagaanNatin
#ParaSaMemberConsumerOwners
#ParaSaOneECMCOMovement









