CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE TUMAAS NGAYONG ABRIL 2019

Tumaas ang singil sa kuryente ngayong Abril 2019 billing na babayaran sa Mayo 2019. Ang sanhi ng pagtaas ay dahilan sa mataas na presyo ng biniling kuryente sa Abotiz Power Renewables Inc. o APRI at Wholesale Electricity Spot Market o WESM. Nagkaroon ng pagbabago sa presyo dahil sa pagtaas ng New Consumer Price Index at Foreign Exchange Rate (FOREX). Naging dahilan din ang mataas na presyo na babayaran sa National Grid Corporation of the Phil o NGCP.

Naging dahilan din sa pagtaas ng taripa ang karagdagang singil para sa Universal Charge – National Power Corporation Stranded Debt (UC-NPC SD) base sa ERC Case No. 2013-195 RC na naaprobahan ng Energy Regulatory Commission o ERC noong Enero 15, 2019. Simula Abril 2019 billing magkakaroon ng karagdagang Php 0.0428/kwh na babayaran ang mga miyembro konsumidores hanggang marekober ang Php 36.676 Billion Universal Charge-Standed Debt. Ang karagdagang singil ay ibinabayad din ng CANORECO sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation o PSALM.

Inaasahan naman ang pagtaas ng taripa dahil sa nangyayaring Manual Load Dropping na kung saan manipis ang supply. Tumataas ang presyo sa mga panahong may kakulangan sa suplay at may mataas na demand o pangangailangan.

Ang rate sa residential para sa buwan ng Abril ay umabot ng P 10.1198 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng MarsoHunyo na umabot ng P 9.6567 per kwh kung kaya sa kabuuan ay tumaas ang rate ng 46 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 9.1662 per kwh para sa buwan ng Abril  kumpara sa P 8.7031 per kwh noong buwan ng Marso o tumaas din ng 46 centavos per kwh.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.