CANORECO Balita

RESULTA NG DISTRICT ELECTION PARA SA TALISAY/SAN VICENTE

Matagumpay na naisagawa ang district election para sa Board of Director ng CANORECO sa Talisay/San Vicente (District V). Ang bilangan ay ginanap sa Talisay Elementary School noong Hulyo 20, 2019, Sabado.

            Nailuklok bilang bagong director ng District V si G. Bartolome Armin T. Nieva. Nakakuha ng 1086 na boto si G. Nieva at 800 naman si Incumbent Director Juancho A. Gaco. Sa kabuuan, ang Talisay/San Vicente (District V) ay nagkaroon ng 24.89% o 1864 na boto mula sa 7,489 na kwalipikadong botante. 

            Ang CANORECO ay nagpapasalamat sa District Election Committee (DECOM) na pinangungunahan ng Chairman na si Gng. Jiji Maricel A. Lacson, District Supervisors, at mga guro  na nangasiwa sa nasabing eleksyon. 

            Muling nagpapasalamat ang pamunuan ng CANORECO sa Department of Education sa patuloy na pagsuporta sa mga District Election na isinasagawa ng kooperatiba.

            Isasagawa ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal at re-elected na Board of Directors sa gaganaping Annual General Membership Assembly o AGMA sa Agosto 31, 2019.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Institutional Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.