Aktibong tumugon ang pamunuan ng CANORECO na maging bahagi ng Work Immersion Partnership Program para sa mga Grade 12 o Senior Highschool na mag-aaral ng Froilan D. Lopez High School sa San Vicente, Camarines Norte. Dalawamput-tatlong mag-aaral na nahati sa dalawang magkahiwalay na batches ang nabigyan ng pagkakataon na personal na maging bahagi ng pangaraw-araw na operasyon ng kooperatiba. Ang mga nasabing mag-aaral ay naitalaga sa Area I Office at Technical Services Department. Nagkaroon din ng pagbisita sa iba’t ibang pasilidad ng CANORECO kabilang ang substation, motorpool at warehouse. Ito ay sa paglalayon na maipaunawa sa mga kabataan ang pangkalahatang operasyon ng kooperatiba. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral ng oportunidad na makapagobserba sa aktwal na jobbing at maintenance activities ng CANORECO. Sa ngayon, patuloy ang aktibong partisipasyon ng kooperatiba sa mga work immersion partnership program upang magkaroon na higit na malalim na impact sa komunidad.

