Bilang bahagi ng Task Force Kapatid, ang CANORECO ay muling nagpadala ng mga Lineman noong January 18, 2022 sa Bohol Electric Cooperative (BOHECO) II sa isla/lalawigan ng Bohol sa Visayas upang ipagpatuloy ang pagtulong sa power restoration sa nasabing lugar na isa sa mga lalawigan na dinaanan ni Category 5 #TyphoonOdettePH noong December 16-17, 2021.
Bago tumulak papuntang Visayas ay pinulong muna sila ni General Manager Zandro Gestiada tungkol sa kanilang mga gagawin, mga safety and health protocols at iba pang mga paalala.
Naka-assign sa BOHECO II ang grupo mula January 18, 2022 hanggang February 15, 2022. Apat sa naunang ipinadalang anim na Lineman ang umuwi na noong January 17, 2022. Samantalang, ang dalawang nagpaiwan na Lineman ay mananatili sa Bohol upang samahan ang mga bagong padalang Lineman doon.
#PowerOn
#WarriorsOfLight
#TaskForceKapatid




