CANORECO Balita

AUGUST 2022 BILLING RATES, BAHAGYANG BUMABA

Bahagyang bumaba ang billing rates na babayaran para sa August 2022 billing. Ang residential rate ay Php14.8432 per kWh na lamang kumpara sa Php14.8964per kWh noong nakaraang July 2022 billing. Ang low voltage rate ay Php13.8896 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php12.0912 per kWh. Nagkaroon ng pagbaba na Php0.0532 per kWh.
Ang bahagyang pagbaba na ito ay bunsod ng pagbaba ng Blended Generation Charge na bumaba ng Php0.1487 per kWh bilang resulta ng Security Deposit Incentive na Php0.3571 per kWh mula sa Therma Luzon, Inc. (TLI). Bumaba rin ang System Loss Charge ng Php0.0107 per kWh.
Samantala, tumaas naman ang Transmission Charge ng Php0.0429 per kWh dahil sa mataas na average transmission rate ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Bahagya ring tumaas ang Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA), Senior Citizen Subsidy at Lifeline Subsidy na may kabuuang Php0.0075 per kWh. Tumaas din ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.0319 per kWh.
Nagkaroon din ng pagsasaayos sa Universal Charge-Missionary Electrification Charge (UC-ME) ng Php0.0239 per kWh matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon ng National Power Corporation (NPC) noong August 4, 2022 upang mabawi ang kakulangan mula sa UC-ME Subsidy para sa Calendar Year 2012 na may equivalent rate na Php0.0239 per kWh true-up adjustment sa loob ng labindalawang buwan.
Naobserbahan din ang mataas na presyo sa merkado dahil sa manipis na suplay na naranasan sa karamihan ng mga araw ng July 2022 billing na nagresulta sa Average Effective Rate ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na Php8.4840 per kWh na mas mataas ng Php2.0113 per kWh kung ikukumpara sa Php6.4840 per kWh noong nakaraang billing month.
Magkasabay rin na pinatawan ng Secondary Price Cap (SPC) ang Luzon at Visayas dahil sa events of sustained high prices dala ng forced and planned generator outages. Nasa 8.3% ng nakonsumong enerhiya ay binili sa WESM sa halagang Php8.91 per kWh.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Dahil ang mga electric cooperative ay mga collecting agent din ng National Government, ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa TLI at sa WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph