Maintenance Activities

Maintenance Work – January 4, 2023

TINGNAN. Ang ating mga linemen in action sa P-1 Barangay Villa Aurora sa bayan ng Capalonga kahapon, January 04 (Miyerkules), kung saan pinalitan nila ang isang 25ft na poste. Ito ay sa kabila nang matinding buhos ng ulan kahapon.
Matindi man ang buhos ng ulan o maalinsangan man ang araw ay patuloy ang pagtatrabaho ng ating mga linemen saan mang bahagi ng ating lalawigan. Ito ang kanilang dedikasyon upang maaayos na maihatid sa atin ang serbisyo ng kuryente.
Salamat sa ating mga linemen! Maraming salamat po sa inyo, aming MCOs, sa patuloy na suporta!