Maintenance Activities

Maintenance Activities by Area 1 – September 4, 2021

Nagsasagawa rin ang ating mga Area Personnel ngayong araw, September 4, 2021 (Sabado), ng pagpapalit ng mga poste sa Brgy. Man-ogob at Poblacion San Vicente at mula Sto. Niño hanggang Sto. Domingo Vinzons. Kasabay din nito ang paglilinis ng mga linya ng kuryente (Distribution Lines) mula Brgy. Bactas hanggang Poblacion Basud at sa Brgy. Camambugan Daet.

Ang paglilinis ng mga linya ng kuryente ay regular na ginagawa upang matanggal ang mga nakakasagabal sa linya tulad ng mga punong kahoy o sanga ng mga punong kahoy na maaaring magdulot ng biglaan at hindi inaasahang power service interruption.