Maintenance Activities

Maintenance Work – January 5, 2023

TINGNAN. Ang dahilan ng pag-trip off ng Labo-Talisay 69kV line, at distribution line natin kanina sa P-3 Barangay Daguit sa bayan ng Labo kung saan dahil sa patuloy na malakas na ulan ay lumambot at gumuho ang kinakatayuan ng isang puno ng niyog at humapay ito sa linya.
Nagdulot ito ng pagputok ng mga transformers at iba pang line hardware sa iba’t ibang mga lugar ni sineserbisyohan ng nasabing 69kV line.
Naalis na ng ating mga linemen ang nasabing puno at kasalukuyang nagche-check ng fault sa bawat linya. Kapag wala nang fault ang isang linya ay agad naman itong ine-energize.
Maraming salamat po mga ka-MCOs sa inyong unawa at suporta!