TINGNAN. Dahil sa tuloy-tuloy na ulan kanina ay gumuho ang lupa na kinatitirikan ng isang puno sa may bahagi ng P-1, Barangay San Isidro sa bayan ng Jose Panganiban na kung saan ay natamaan nito ang ating linya.
Agad namang umaksyon ang ating mga linemen upang maisaayos ang nasabing linya at maibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga naapektuhan na lugar.
Patuloy po ang pagtatrabaho ng ating mga linemen sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang masigurong maihatid ang serbisyo ng kuryente sa lahat.
Salamat po sa suporta MCOs!