CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE BUMABA NGAYONG SETYEMBRE 2019

Bumaba ang singil sa kuryente ngayong Setyembre 2019 billing na babayaran sa Oktubre 2019. Ang sanhi ng pagbaba ay ang mababang Generation Charge dahil sa mababang presyo ng biniling kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM at Aboitiz Power Renewables Inc. o APRI. Naging dahilan ng mababang presyo sa APRI ang mababang Newcastle Coal Index para sa buwan ng Agosto 2019.

Naging dahilan din ang mababang Transmission Charge sanhi ng mababang average transmission rates ng National Grid Corporation of the Phil. O NGCP billing. Ang Transmission Charge ay halagang binabayad sa pagdaloy ng kuryente mula sa generating plant patungo sa transmission lines ng NGCP hanggang subsstation ng CANORECO. Ang halagang ito ay napupunta sa NGCP.

Ang rate sa residential para sa buwan ng Setyembre ay umabot ng P 8.9944 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng AgostoHunyo na P 9.8023 per kwh kung kaya sa kabuuan ay bumaba ang rate ng 81 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.0408 per kwh para sa buwan ng Setyembre kumpara sa P 8.8487 per kwh noong buwan ng Agosto o bumaba rin ng 81 centavos per kwh.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09081865100 at 09560525608.