CANORECO Balita

MAY 2022 BILLING RATES, TUMAAS

Tumaas ang billing rates na babayaran para sa May 2022 billing. Ang residential rate ay Php13.2661 per kWh na kumpara sa Php12.7696 per kWh lamang noong nakaraang April 2022 billing. Ang low voltage rate ay Php12.3125 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php10.5757 per kWh. Nagkaroon ng pagtaas na Php0.4965 per kWh.

Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Blended Generation Charge na Php7.5603 per kWh na tumaas ng Php0.4469 per kWh kumpara sa Php7.1134 noong nakaraang April 2022 billing. Ito ay resulta ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa gasolina (Fuel Cost) ng Therma Luzon, Inc. (TLI) noong nakaraang billing period na dulot ng mabilis na pagtaas ng demand sa coal habang ang mundo ay lumalampas na sa pre-pandemic levels at ang digmaang Russia-Ukraine ay malubhang naaapektuhan ang kalakalan ng tumataas na presyo ng coal.

Bahagya namang tumaas ang System Loss Charge ng Php0.0409 per kWh at ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.0983 per kWh.

Samantala, bahagya namang bumaba ang Lifeline Subsidy, ang Senior Citizen Subsidy at ang Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) na may kabuuang Php0.0269 per kWh. Bumaba rin ang Transmission Charge ng Php0.0628 per kWh.

Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.

Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa TLI at sa WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph