Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan ng mga nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Nobyembre 22, 2019, Biyernes, hanggang Nobyembre 25, 2019, Lunes:
| ARAW/ORAS | APEKTADONG LUGAR | SANHI |
| NOV. 22, 2019 4:39PM – 4:47PM | Buong probinsya ng Camarines Norte maliban sa bayan ng Jose Panganiban at Paracale. | National Grid Corp. of the Phil. (NGCP) Automatic load dropping. |
| NOV. 24, 2019 4:48PM – 5:02PM | Buong probinsya ng Camarines Norte maliban sa bayan ng Jose Panganiban at Paracale. | National Grid Corp. of the Phil. (NGCP) Automatic load dropping. |
| NOV. 25, 2019 2:28PM – 2:26PM | Buong probinsya ng Camarines Norte maliban sa bayan ng Jose Panganiban at Paracale. | National Grid Corp. of the Phil. (NGCP) Automatic load dropping. |
Ang Automatic Load Dropping (ALD) ay agarang pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa mga piling lugar bilang tugon sa hindi pangkaraniwang kondisyon ng supply ng kuryente sa Luzon Grid. Nagkaroon ng emergency shutdown ang ilang malalaking planta ng kuryente, kung kayat nakaranas ng blackout ang ilang mga lugar sa Luzon. Ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang nag aabiso sa mga Distribution Utilities o DU sa pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa kanilang lugar at pinapanatiling tama ang integridad at alokasyon ng supply sa lahat ng DU’s katulad ng CANORECO.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Technical Services Department (TSD) sa teleponong 571-3717, 09081865100 at 09560525608.

