Iba’t ibang mga aktibidad ng Operation & Maintenance Team ng Area I Office sa bayan ng Daet kahapon, 02 May 2023 (Martes) tulad ng pag-upgrade ng transformer sa Panol Drive mula 25 kVa patungong 37.5 kVa at sa Purok 1 ng Barangay Camambugan mula 37.5 kVa patungong 50 kVa. Gayundin ang pag-pull out ng 25 kVa transformer at cut out assembly sa Barangay Bagasbas.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho ng ating mga linemen sa iba’t ibang bahagi ng ating lalawigan upang masigurong maayos ang ating mga linya ng kuryente patungo sa ating tahanan at negosyo.
Maraming salamat sa dedikasyon ng ating mga linemen!
Maraming salamat Member-Consumer-Owners sa inyong suporta!