Ka-MCOs, hindi lang mga linemen ang busy! Nariyan rin ang ating mga engineers at metermen na tinitiyak ang kaayusan ng ating mga linya ng kuryente.
Kagabi (04 July 2023, Martes), habang ang iba sa atin ay nanonood ng TV show, nagba-browse sa internet, o nautusang maghugas ng pinagkainan, ang ating team mula sa Technical Services Department ay nagsagawa ng Transformer Load Management sa kalsada patungong Barangay Tulay na Lupa sa bayan ng Labo.
Ito ay pagsisigurado na within capacity pa rin ang load na dumaraan sa ating mga transformers, kung tama ang voltage, ganoon na rin kung mayroong loose na ang connection para iwas brownout sa ating lugar.
