Sumailalim ang mga piling engineers at linemen ng CANORECO sa Basic Lineman Training mula sa National Grid Corporation of the Philippines o N.G.C.P. Nangyari ang nasabing training noong June 7 hanggang 8 ng kasalukuyang taon sa Sanayang Pangkaligtasan, Sitio Mat-e, Barangay Santo Domingo sa bayan ng Vinzons dito sa lalawigan ng Camarines Norte.
May kabuuang dalawampuβt walo (28) ang mga lumahok mula sa Kooperatiba na kung saan, walo (

rito ay mga engineers, at dalawampu (20) ay mga linemen na mula sa Technical Services Department (T.S.D.) at mga Area Offices (I, II, III). Labing-lima (15) naman ang mga lumahok mula sa N.G.C.P. na pinangugunahan ni Engr. Virgilio G. Rojo na siyang Transmission Line Manager ng South Luzon Operations & Maintenance. Kasama rin mula sa mga kalahok ng N.G.C.P. ang Transmission Line Supervisor ng Camarines Norte Area na si Engr. Joseph M. Cipriano at ng Camarines Sur Area na si Engr. Antonio C. Cepe.
Sa unang araw ng training, ibinahagi ng mga resource speakers mula sa N.G.C.P. ang ibaβt ibang uri at disenyo ng mga istruktura na ginagamit sa mga transmission lines. Gayundin ang mga karaniwang tools, equipment, at rope knots na ginagamit sa line operations & maintenance. Naibahagi rin nila ang mga kasanayan kung paano isagawa ng ligtas at epektibo ang pag-inspect ng linya, pagsasagawa ng cold at hot line maintenance, at line restoration. Kasama ring tinalakay ang mga bagong teknolohiya na maaaring magamit upang mas maging madali ang pagsasagawa ng inspection, maintenance, at restoration ng mga linya ng kuryente kagaya ng paggamit ng drone, Ultraviolet (UV)/Infrared (IR) scanners, conductor height measurement tools, at iba pa.
Nagkaroon naman ng aktwal na pagsasanay ang mga kalahok mula sa CANORECO pagdating ng ikalawang araw. Hinati sila sa apat na grupo at nagsagawa ng cross-arm at insulator change-out sa isang nakatayong poste. Nagtapos ang nasabing aktibidad sa isang closing ceremony na kung saan nagbahagi ng mensahe si CANORECO General Manager Zandro R. Gestiada sa pamamagitan ni Ms. Mary Ann A. Moreno, Institutional Services Department Manager, sa mga naging kalahok ng dalawang araw na
training. Nagpasalamat ang Kooperatiba sa pamunuan ng N.G.C.P. para sa oras at kaalaman na kanilang ibinahagi para sa mga engineers at linemen na kalahok. Nagpasalamat din naman ang N.G.C.P. sa pagkakataong maibahagi nila ang kanilang kaalaman para sa lalong ikakaganda ng serbisyo ng CANORECO.
Ang Basic Lineman Training ay isa sa mga programa ng CANORECO upang mapalawak ang kaalaman ng mga linemen at iba pang technical personnel sa paghahatid ng maaayos na serbisyo para sa mga member-consumer-owners. Ang N.G.C.P. naman ay ang namamahala sa power grid ng ating bansa.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na
www.canoreco.com.ph