CANORECO Balita

SEPTEMBER 2021 BILLING RATES, BAHAGYANG BUMABA

Bahagyang bumaba ang billing rates na babayaran para sa September 2021 billing. Ang residential rate ay Php10.5173 per kWh kumpara sa Php10.6378 per kWh noong nakaraang August 2021 billing. Ang low voltage rate ay Php9.5638 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.0525 per kWh. Nagkaroon ng bahagyang pagbaba na nasa Php0.1205 per kWh.

Ang bahagyang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Generation Charge na resulta ng mas mababang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Bumaba rin ang Transmission Charge ng Php0.0907 per kWh dahil sa mas mababang Ancillary Service Charge sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Bumaba rin ang System Loss Charge ng Php0.0077 per kWh at ang VAT Charges ng Php0.0115 per kWh. Samantala, tumaas naman ang GRAM/ICERA at Lifeline Subsidy charges ng Php0.0017 per kWh.

Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.

Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa mga power supplier gaya ng Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) at Wholesale Electricity Spot Market (WESM), sa transmission utility na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at sa government corporations/ agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph