COOP Activities

AGMA Registration Team Orientation

Hi mga ka-MCOs! Dahil malapit na ang ating Annual General Membership Assembly o A.G.M.A. ngayong taon (sa ika-huling Sabado ng Agosto yaan gaganapin ka-MCO), magsisimula na tayo ng registration para rito bukas.
Isinagawa na natin kaninang umaga (nasa ibaba na mga picture ka-MCO) ang orientation para sa mga teams na magre-register sa iyo para sa ating 40th A.G.M.A. Lahat ng Area Offices at Service Centers natin ay mayroong team para sa registration mo ka-MCO.
Kaya naman simula bukas (04 July 2023), punta na sa pinakamalapit na Area Office o Service Center at magpa-register na! Pero huwag kang mag-alala ka-MCO kung hindi ka pa makapagpapa-register bukas, kasi hanggang August 22 pa ang registration natin!
At ito pa ka-MCO, kung medyo malayo ka sa mga Area Offices o Service Centers natin, maaari ka ring magpa-register sa mga bayad centers na nasa iba’t ibang lugar ng ating beloved province of Camarines Norte.
Kita-kita tayo bukas ka-MCO!