Mga ka-MCOs, narito na ang mga detalye ng pag-register para sa ating 40th Annual General Membership Assembly o A.G.M.A. Naku, basahin mong mabuti para pagpunta mo sa ating Area Offices, Service Centers, o Bayad Centers ay mairegister ka kaagad.
Tandaan, mga miyembro lang ng ating Kooperatiba ang maaaring makapagpa-register (yung mayroon ng kuntador). Pero huwag kang malungkot kung hindi ka pa miyembro dahil hanggang August 22 pa ang ating registration.
Kaya naman, kung ikaw ay 18 years old pataas at magpapakabit ng serbisyo ng kuryente, attend na sa ating Pre-Membership Seminar tuwing Biyernes sa Area I Office sa ganap na alas-9 ng umaga.
Kita-kita tayo sa 40th Annual General Membership Assembly natin sa 26 August 2023!


